PCG spox kay Senador Robin: ‘Wag maging tuta para sa iisang pamilya’

‘HUWAG MAGING TUTA PARA SA IISANG PAMILYA’
Sumang-ayon si Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Rear Admiral Jay Tarriela sa panawagan ni Sen. Robin Padilla na maging ‘bulldog’ ang mga Pilipino para sa kapakanan ng kapwa Pilipino.
Gayunman, iginiit ni Tarriela na hindi dapat maging “tuta para sa iisang pamilya” ang mga mamamayan, sa tila patama sa bulag na katapatan sa isang political family.
Nauna rito, hinimok ni Padilla ang mga Pilipino na huwag magpadala sa umano’y propaganda na maaaring maglihis sa publiko sa katotohanan. Aniya, dapat unahin ang interes ng bansa at maging “bulldog tayo para sa mamamayang Pilipino.”
Lumabas ang palitan ng pahayag sa gitna ng patuloy na diskusyon tungkol sa pambansang interes, patakarang panlabas at ugnayan ng Pilipinas sa China.

Log in or sign up to join the conversation.
No comments yet.