Vendor ginahasa kainumang 13-anyos na dalagita

“ALAM NG DIYOS NA HINDI KO SIYA [BIKTIMA] GINAHASA”
Arestado ang isang 27-anyos na lalaki matapos ang panggagahasa umano sa 13-anyos na dalagita sa Sta. Ana, Maynila noong Oktubre 29, 2026.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Ray’, vendor, residente ng 292 Tenement Bldg. Barangay 901, Punta, Sta. Ana, Manila, na Top 9 Most Wanted Person sa regional level.
Batay sa ulat, nakipag-inuman ang suspek sa biktima bago naganap ang diumano’y panggagahasa sa bahay ng akusado.
Mariing itinanggi ng suspek ang panggagahasa sa biktima at sinabing alam umano ng Diyos ang totoo. Aniya pa, muntik lamang na may mangyari sa kanilang dalawa, at ikuwento rin ng suspek na inalalayan niya pa ang biktima bago umuwi.
Nakorner ang suspek sa bahagi ng Roxas Blvd sa Malate, sa bisa ng warrant of arrest ng inisyu ng Manila Regional Trial Court Branch 29 noong Oktubre 20, 2026.
Nahaharap sa kasong Statutory Rpe ang suspek na walang inirekomendang piyansa, at Rpe Through Sexual Assault na may inirekomendang ₱200,000 piyansa.
Nananatiling nakadetine ang suspek sa MPD Integrated Jail kung saan ibinalik na ang warrant of arrest sa korte.

Log in or sign up to join the conversation.
No comments yet.