Erpat arestado sa panggagahasa sa menor de edad na anak

BABALA: SENSITIBO ANG PAKSA
Kalaboso ang isang 33-anyos na lalaki sa panggagahasa at pangmomolestiya sa 11-anyos na anak sa Balubad Settlement, Barangay Nangka, Marikina City noong Linggo ng umaga, Nobyembre 1, 2026.
Naaresto ang suspek, na isang upholsterer, sa operasyon na isinagawa ng Marikina City Police Station (CPS) sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 168 ng nasabing lungsod.
Nag-ugat ang pag-aresto sa reklamong isinampa ng nanay ng biktima noong Abril 8, 2026, na panggagahasa at sekswal na pang-aabuso umano ng suspek sa anak.
Batay sa imbestigasyon, paulit-ulit na naganap ang pang-aabuso sa tahanan ng pamilya sa Brgy. Nangka mula Agosto 2022 hanggang Disyembre 2025.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong Statutory Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code, Qualified R*pe of a Minor at Qualified Sexual Assault.
Walang inirekomendang piyansa para sa Qualified R*pe habang aabot sa ₱960,000 ang piyansa sa iba pang kaso.
Kasalukuyang nakadetine ang suspek sa Marikina CPS Custodial Facility sa Justice Hall Building, Barangay Sta. Elena para sa kaukulang imbestigasyon at proseso.

Log in or sign up to join the conversation.
No comments yet.